Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakuna inalok ng AFP sa mga rebelde

0 19

BAKUNA ang naging alok ng mga sundalo sa mga rebelde nang makumpirma mula sa nahuli nilang mga rebelde na ang iba sa kanila ay nagpositibo sa COVID-19 sa Cagayan de Oro City.

Ito ang naging alok ng Commander ng 4th Infantry Division sa Communist Terrorist Group (CTG) dahil ilan sa mga nahuli at napatay na CTG members sa mga bakbakan sa San Fernando at Valencia City sa Bukidnon ay nagpositibo, base sa isinagawang tests sa kanila.

Sinabi ni Maj. Gen. Romeo S. Brawner Jr., ang Commander ng 4ID, na sa 10 CPP-NPA Terrorists (CNTs) na nahuli sa San Fernando, 3 CNTs kabilang ang isang menor de edad ang positibo sa COVID habang isa sa mga patay ay positibo rin.
Sa Valencia City , 3 sa nahuling CNTs kabilang ang dalawang menor de edad ang positibo.

“Many in the NPA ranks possibly have COVID-19 as evidenced by the positive test results of the captured and dead CNTs. We are willing to provide COVID-19 vaccines to the CTG if they will decide to abandon the armed struggle and cooperate with us,” sinabi ni MGen. Brawner Jr. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.