Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakuna, droga, korapsiyon, WPS anyare?

0 19

Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros na magbigay si Pangulong Rodrigo Duterte na update sa COVID-19 vaccine rollout, kampanya sa korapsiyon at magdeklara na posisyon sa isyu West Philippine Sea (WPS) sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

“Una, nasugpo ba niya ang korapsiyon sa gobyerno? Ikalawa, nasaan na ang mga progra­mang makamahirap at makamasa, mula droga hanggang sa nga­yong nasa gitna tayo ng pandemya?” pahayag ni Hontiveros sa online interview ng mga reporter.

Ikatlo, ano na ang plano para pabilisin pa ang pagpapabakuna? Ikaapat, baka naman, sa huling SONA na ito, maipahayag ni Pangulong Duterte ang pagtindig nya laban sa Tsina at sa pambabastos nila sa ating bayan,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.