Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakit si Jinkee lang? Agot sinulsulang talakan si Sharon

0 1,292

Bina-bash si Agot Isidro, mainly ng mga DDS o supporters ni President Rodrigo Duterte dahil una, very open ito sa mga disgusto niya at puna sa gobyerno– which makes her “hated celebrity” of the DDS.

Kaya walang bago kung i-bash man siya, parang kasama na yata mula sa agahan hanggang midnight snack ng singer/actress ang ‘di-masisikmurang salita sa kanya ng mga pro-government netizens.

So, nang mag-comment si Agot na “pwede ba konting sensitivity man lang” nang mag-post si Jinkee Pacquiao ng mga bike nila ni Senator Manny Pacquiao, one is Louis Vuitton at ang isang bike ay Hermes, enter “bashers attack” na naman.

Kinukuwestiyon si Agot kung bakit daw si Jinkee, inatake nito dahil nag-post ng napakamamahaling bikes, pero ang Megastar na si Sharon Cuneta na feeling nila, nag- “show-off” ng Rolex watch nito, hindi man lang daw sinabihan ni Agot na maging sensitive naman, lalo na ngayong may pandemic.

***

Shawie ipinagmayabang ang mga alahas

Obviously, nakarating na kay Sharon ang issue. Na bukod dito, may nagdududa pa kung sa kanya nga ang Rolex watch. Kesyo grabbed lang daw ito sa iba.

Si Sharon na ang sumagot sa pamamagitan ng kanyang IG account, bago pa man sumagot si Agot. Though, ang concern ni Mega ay ang pagdudahan siya sa sariling gamit.

Sey niya, “You mean people thought I just grabbed the pic of the wrist wearing the watch? Hahahaa! Que babaw. Good people are blessed– and not just with Rolexes! Unbelievable! But hilarious too! Watch my old movies. In many where I played wealthy characters, I wore my own watches and jewelry as chosen by my Production Designer. Or watch Madrasta na lang if you don’t have gana to watch my other movies. 1996 pa yon.

***

Alfred itinanggi ang botong ‘no’ sa channel 2

Nilinaw ni Alfred Vargas na hindi pa nagbobotohan ang mga Kongresista for a Yes or No ABS-CBN franchise renewal. May lumabas kasing list at diumano’y nag-vote ng “No” si Alfred.

Sa mismong IG account ni Congressman Alfred Vargas, may nag-comment dito na, “Hopefully umaapela din po ako sa inyo sa congress na i-grant na franchise ng abs kc po yun lang libangan namin.

Sinagot ito ni Alfred at sinabihang isa rin ito sa nakaka-disappoint dahil naniniwala raw sa fake news.

“Nakaka-disappoint ka rin po kasi naniniwala ka sa fake news at nanghuhusga agad. Sana inalam niyo muna kung totoo o hindi. Wala pa pong kahit na anong botohan ang nangyayari. Kung yan ang paniniwalaan niyo, wala na akong magagawa. Ako siguradong sigurado po ako na wala pang botohan na nagaganap. Period. Ang bilis niyo manghusga mali naman ang info. Haay.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.