Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakit nangyayari ang COVID-19?

0 123

Pagkatapos ng ilang buwan ng pagsisiyasat ng mga dalubhasa, nilabas ng World Health Organization ang ulat nito hinggil sa pinagmulan ng COVID-19. Ayon sa pag-aaral, sinasabi na ang malamang na pinagmulan ng virus ay ang mga palengkeng nagtitinda ng mga patay at buhay na hayop, isang kaalaman na kumalat na nuong mga unang linggo ng paglabas ng virus.

Sinasabi na ang virus ay umiikot na sa Huanan market sa Wuhan, China nuong umpisa pa lamang ng Disyembre 2019. Hindi na matuntun ang mga tunay na kaganapan sa Huanan market, nguni’t base sa mga pagsusuri, lumalabas na nagmula ang virus sa mga paniki at ito ay naisalin sa isang pang hayop na siya namang nakapagsalin nito sa tao. Sa kabila nito, hindi rin tinatawaran ang posibilidad na nagmula ang virus sa isang pagtagas ng mga mikrobyo mula sa isang laboratoryo sa China. Sa huli, ang konklusyon ay kailangan pa ng iba pang mga pag-aaral.

Habang sinusulat ko ito, pinadalahan ako ng isang napakabuting kaibigan ng isang mensahe. Aniya, galing ito sa tanyag na Bill Gates. Binasa ko at nais kong ibahagi ang ibang nilalalaman nito. Ayon sa salaysay, maraming mga bagay ang ginagawa ng pandemya sa ating buhay. Ang ilan ay ang sumusunod:

Ipinaaalala ng COVID-19 sa atin na lahat tayo ay pantay-pantay, anuman ang ating kultura, relihiyon, trabaho, sitwasyong pampinansyal o kung gaano tayo kasikat. Ang sakit na ito ay tinatrato tayong lahat na pantay-pantay.

Pinapaalala nito sa atin na lahat tayo ay konektado at ang isang bagay na nakakaapekto sa isang tao ay may epekto sa iba pa. Ipinaaalala nito sa atin na ang mga borders o mga hangganan ng teritoryo ay may kaunting halaga dahil ang virus na ito ay hindi nangangailangan ng pasaporte.

Ipinaaalala nito sa atin kung gaano kahalaga ang ating kalusugan at kung paano natin ito pinapabayaan sa pamamagitan ng pagkain ng hindi wasto. Karugtong na rito ay ipinaaalala nito sa atin ang igsi ng buhay.

Pinapaalala nito sa atin kung gaano naging materyalistiko ang ating lipunan at kung paano—sa mga oras ng paghihirap—naaalala natin na ang pagkain, tubig, gamot ang mga mahahalaga na kailangan taliwas sa mga karangyaan. Ganun din, ipinaaalala nito sa atin kung gaano kahalaga ang ating pamilya at buhay sa tahanan at kung gaano natin napabayaan ito. Pinilit tayong bumalik at manatili sa ating mga bahay upang palakasin ang pamilya.

Magandang paalala rin ito na ang ating totoong gawain ay hindi ang ating trabaho. Ang totoong gawain ay pangalagaan at protektahan at maging pakinabang sa bawa’t isa.

Magkakasama tayong lahat sa panalangin na sana ay maka-alpas na tayo sa pandemya. Nguni’t dalangin ko din na hindi natin malimot ang ating mga nagiging aral mula rito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.