Una sa Balita

Bakit may isyu sa ‘Pinas ang Dengvaxia?

0 577

Kamakailan ay tinanggap na ng United States Food and Drug Admi­nistration ang biologics license application ng Sanofi Pasteur at kinilala ang Dengvaxia bilang kauna-unahang bakuna laban sa dengue. Napakagandang balita po nito kung tutuusin lalo na sa mga bansang endemiko ang dengue tulad ng Pilipinas.

Sa ating bansa lamang ay may naitalang paglobo ng kaso ng dengue na umabot sa 138,444 ang Department of Health mula Enero hangang Oktubre ngayong 2018 na halos 21 porsyentong pagtaas kumpara noong 2017. Nakaka­bahala rin na napaka­laki ng ibinaba ng bilang ng mga nagpapabakuna dahil na din sa mga mali-maling impormasyon na kumalat ukol dito. nang ma­ging matagaumpay ang testing ng dengvaxia. Nasubukan din ito sa 40,000 katao sa labinlimang bansa.

Sa totoo lang ay sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang talaga nagkaroon ng kasagutang ang dengue sa ating henerasyon. Noong 2015 ay nagbunyi ang mundo ang pagtanggap ng US FDA ay nagpapatunay na kinikilala sa buong mundo ang nasabing bakuna bilang epek­tibong panlaban sa dengue. Mataas ang pagpapahalaga ng Amerika sa bakunang ito dahil noong 2010 ay may halos 12,000 kaso sa Puerto Rico at US Virgin Islands kung saan endemiko ito.

Ang European Health Commission ng European Union ay nakatakda na ring magbigay ng market authorization ngayong taon para sa nasabing bakuna. Sa Asya, patuloy rin ang pagtangkilik katulad ng bansang Singapore na kinikilala ito bilang kauna-una­hang bakuna laban sa mapamuksang dengue. Sa Brazil at Mexico ay ginamit ito sa national immunization programs. Ang Strategic Advisory Group of Experts on Immunization  (SAGE) ng World Health Organization (WHO) ay naglahad rin ng ulat ukol sa ‘public health value’ ng dengvaxia noong mga nakaraang buwan lamang.

Kaya nga nakaka­pagtaka kung bakit sa ating bansa mayroong alingasngas ang dengvaxia. Nakakalungkot na masyadong nadadala sa politika ang isang bakuna na napakahalaga sa bansang katulad natin. Eto na ang magandang pagkakataon sana para mapuksa ang nakakamatay na sakit na ito pero napupolitika lalo na ngayon na mag-eeleksyon.

‘Wag sana nating isakripisyo ang buhay ng libo-libo nating mga kababayan na maaring masagip dahil lamang sa pamumulitika ng iba. Ilabas natin ang katotohanan na pinatutu­nayan ng pagrespeto ng iba-ibang mala­laking bansa ukol sa bakunang ito. Ang sakit na dengue ang tunay na kalaban at ito ang kailangan nating wakasan.