Una sa Balita

Bakit ‘maliit na tao’ lang ang sapul sa $81M bank heist?

0 615

Muling nangyari na naman sa Pilipinas na ang isang ‘maliit na tao’ o pangkaraniwang mamamayan ay mabilis na tinatamaan.

Ito ay kaugnay ng hatol ng Makati Regional Trial Court na tanging ang dating manager ng RCBC na si Maia Santos Deguito na guilty sa paglabag sa anti money launde­ring act.

Nag-ugat ang kaso sa $81 million bank heist sa central bank ng Bangladesh at dumaan sa lokal na bangko na RCBC dito sa Pilipinas 3 taon na ang nakakalipas.

Hinatulang mabilanggo ng 4 hanggang 7 taon at pinagbaba­yad ng multa ng $109 million.

Susmaryosep! Papano mababayaran ang milyong dolyar na ito samantalang si Deguito ay isang bank manager lang at malabong solo nitong maisaayos ang nasabing anomalya kung walang kasangkot na malaking tao mula sa mga opisyal ng RCBC.

Sana ay mabusisi muli ng Makati RTC sa gagawing mosyon sa kaso upang maalis ang persepsiyon ng publiko na ang madalas na maipit at mabagsakan ng bigat ng parusa ng batas.

Related Posts

Doble-plaka

One stop shop 

Am I normal?

Samantalang ang mga kilala at bigating tao tulad ng casino boss/junket operator Kim Wong ay naabsuwelto dahil nagsoli lang ng pera na nagkakahalaga ng $15 million.

Ang nakakapagtaka lang ay bakit walang pananagutan sa batas si Kim Wong kahit nagsoli pa ng pera o dahil maaring isa itong bigtime na tao na hindi maiaalis sa paningin ng publiko na may malawak na impluwensiya at may koneksiyon sa gobyerno?.

Si Deguito ay maa­ring mailinya sa iba pang pangkaraniwang mamamayan na napagbubuntunan ng kaso.

Huwag na tayong lumayo sa kaso ng pagkakapuslit ng bil­yong piso ng halaga ng shabu sa Bureau of Customs at ang kawawang bodegero lang ang nasampahan ng kaso na tanging ang partisipasyon ay nagbabantay sa bodega na siyang pinagdalhan ng mga kontrabando.

Sa mga nakawan sa gobyerno ay ang maliit na tao din na maliit na ninakaw ang siyang nahahatulan din samantalang ang mga bigtime magnanakaw ay absuwelto dahil na rin sa galing ng mga abogado pero hindi dahil sa walang kasalanan.

Sana naman ay mabago na ang ganitong sistema sa Pilipinas na kapag maliit na tao ay mabilis maparusahan sa batas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy