Una sa Balita

Bakit kailangan si Bato sa Senado?

0 578

Kaye Dacer

Panibagong bloke na naman ng mga iligal na droga partikular ang mga mamahaling cocaine ang nasamsam na naman sa Surigao del Norte.

Kung hindi tayo nagkakamali ang 40 bloke ng pinaniniwalaang cocaine ay tumitimbang ng 40 kilo.

Katulad ng mga nagdaang mga insidente mga mangi­ngisdang naglalayag din ang nakatuklas sa iligal na droga sa karagatang sakop ng Burgos sa Surigao Del Norte.

Mayroong marking na ‘3B Bugati’ ang natuntong mga bloke ng cocaine na kahalintulad ng mga unang nakuha sa Barangay Pacifico, San Isidro, Siargao, Surigao del Norte noong nakaraang Peb­rero.

Hindi na maubos-ubos itong mga itinapong bloke ng cocaine sa mga karagatan.
Ang tanong lang bahagi pa rin kaya ito ng mga naunang mga bloke ng cocaine na nasabat sa ilang baybaying bahagi ng ating bansa?

Parang halos buwan-buwan ay may nabibingwit na mga cocaine sa bahagi ng karagatan ng Pilipinas.

Dapat na tayong mangamba dahil nagsisilbing tapunan na ng iligal na droga ng ating bansa.

Kaya nga ba dapat ay mayroon tayong opisyal katulad ni dating PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maaring maging katuwang ni Pangulong Rodrigo Duterte para maipagpatuloy ang giyera sa iligal na droga.

Bilang naging da­ting hepe ng PNP, sapat ang kaalaman ni Gen. Bato para tumulong sa paglikha ng mga batas na tatapos sa kalokohan ng mga sangkot sa iligal na droga at iba pang uri ng krimen.

Sa tagal sa serbisyo ni Gen. Bato ay naniniwala akong marami itong magagawa sa Senado para masawata na ang iligal na droga sa ating bansa.

Maaaring maging instrumento si Bato para makalikha ng mga makabuluhang batas na magpapabigat ng kaso laban sa mga utak ng nagpapakalat ng iligal na droga gayundin sa iba pang krimen na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Kaya sa mga hu­ling survey, isa ako sa labis na natuwa dahil tumaas na ang puwesto ni Gen. Bato, isang indikasyon na natatauhan ang karamihan sa ating mga kababayan kaya mas gusto na nila ng mga bago sa Senado.

Sana nga ay magtuloy-tuloy na ito para naman mapatunayan ni Bato ang kanyang kakayahan hindi lang sa PNP kundi hanggang sa Senado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy