Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakit ‘di tinanggap ang life insurance claim ko?

0 21

Masinsinang usapan tungkol sa life insurance beneficiary.

Dear Atty. Loon,

Ako po si Linda. Kamakailan, pumanaw ang asawa ko. Bago siya mamatay, kumuha siya ng life insurance. Nag-file ako ng insurance claim sa life insurance na kinuha nya ngunit hindi ito tinanggap ng kumpanya dahil hindi raw ako ang nakalagay na beneficiary. Bilang asawa, hindi po ba may karapatan ako sa benepisyo ng life insurance ng yumao kong asawa? — Linda

Dear Linda,

Sa life insurance, mayroon tayong tinatawag na beneficiary. Ang beneficiary ang puwedeng tumanggap ng benepisyo ng life insurance. May dalawang klaseng beneficiary sa life insurance: Primary Beneficiary at Contingent Beneficiary. Ang Primary Beneficiary ang taong makakukuha ng benepisyo ng isang life insurance.

Samantala, ang Contingent Beneficiary ang taong makakakuha ng proceeds ng isang life insurance kung pumanaw na ang Primary Beneficiary. Ang may-ari ng isang isang life insurance ay maaaring magtalaga ng mahigit sa isang Primary Beneficiary o Contingent Beneficiary.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang beneficiary ng isang life insurance lamang ang taong maaaring makakuha at makapag-file ng insurance claim. Kahit pa ang asawa o anak ng may-ari ng isang life insurance ang mag-file ng insurance claim, hindi niya makukuha ang benepisyo ng life insurance kung hindi siya itinalagang beneficiary dito.

Mayroong sitwasyong hindi nagtatalaga ang may-ari ng life insurance ng beneficiary.

Mayroon ring sitwasyong ang itinalagang beneficiary ay pumanaw na o ‘di kaya ay diskuwalipikado makakuha ng benepisyo ng life insurance ayon sa batas. Sa ganitong mga pagkakataon, ang benepisyo ng life insurance ay mapapunta sa estate o ari-arian ng may-ari ng life insurance.

Ito ang mga bagay na dapat tandaan sa pagkuha ng benepisiyo ng isang life insurance. Kaya huwag magulat kung ang insurance claim mo sa isang life insurance ay hindi tinanggap ng insurance company, kahit pa ito ay life insurance ng iyong asawa. Marahil ay may itinalaga ang iyong asawa na beneficiary noong kumuha siya ng life insurance.

Mas mainam na alamin at kumpirmahin muna mula sa insurance company o ahente kung sino ang itinalagang beneficiary ng asawa mo. Si Atty. Martin Loon ay ang President & CEO ng Cocolife, ang pinakamalaking Filipino Life Insurance Company sa Pilipinas.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay (Atty. Martin Loon), puntahan ang kanyang profile page sa Cocolife website.

Leave A Reply

Your email address will not be published.