Una sa Balita

Bakbakang militar, NPA sumiklab sa Mindanao

By
0 4

Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng New People’s Army (NPA) sa dalawang lugar sa Mindanao kahapon kasabay ng pag-anunsyo ng mga komunista ng impen­ding release sa dalawa nilang bihag.

Sa Antipas, North Cotabato, ayon kay Chief I­nsp. Rolando Dillera, Antipas police chief, tumagal ng mahigit isang oras ang bakbakan pero wala namang ­iniulat na nasawi.

Sinabi ni Dillera na ang sagupaan ay naganap sa Barangay Camutan kung saan una nang naghasik ng lagim ang mga rebelde noon pang Huwebes.

Abante Hiring – IT dep

“The military is still in the village to conduct clearing operations. The evacuees are all safe in our ­designated evacuation centers in the town proper,” ayon kay Dillera.

Sa Tampakan, South Cotabato, isa ring matin­ding bakbakan ang naganap kahapon ng umaga kung saan 50 rebelde ang umatake sa paramilitary detachment sa Barangay Tablu bandang alas-otso ng umaga, ­ayon naman sa report ni Sr. Insp. Harold Cornel, hepe ng Tampakan police.

“The fighting is still going on,” wika ni Cornel.