Una sa Balita

Bakbakan walang awatan, training pokus ni Pacman

By
0 1,560

KAHIT ano’ng mangyari, tuloy ang bakbakan.

Tiniyak ni eight-division champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao na tuloy sa Hulyo 15 ang basagan nila ng mukha ni WBA welterweight ruler Lucas Matthysse ng Argentina sa Axia­ta Arena sa Kuala Lumpur.

Ito ay sa kabila pa rin ng ali­ngasngas na maaaring makansela o hindi matuloy ang upakan dahil sa isyu umano ng pera.

“I don’t intend (to) waste these le­gacies na sinasabing magiging pamanang iiwanan ko sa mundo ng palakasan dahil lamang sa mga paninirang ibinabato sa akin ng aking mga kalaban,” kuwento ni Pacquiao, 39, sa sportswriter na si Eddie Alinea sa philboxing.com.

Bagama’t hindi tinukoy ang isyu ng funding na sinasabing nagiging problema, sinabi ni Pacquiao na pokus siya sa training upang masikwat ang korona ng 35-anyos na knockout artist.