Una sa Balita

Bakbakan sa Yemen: 30 patay

By
0 2

Aabot sa 30 katao ang patay matapos ang matin­ding sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at ng mga loyalist ng lungsod ng Taez sa Yemen, ayon sa mga military at medical sources.

Ayon sa ulat, dahil sa nangyaring sagupaan ay tuluyan nang naglaho ang pag-asa na susundin ng dalawang panig ang tigil-putukan na inanunsyo ni US Secretary of State John Kerry na dapat na nagsimulang ipatupad noong Huwebes.

Ayon sa Loyalist military sources, nasa 24 na mga rebelde at 14 na pro-government forces ang napatay sa loob lang ng 24-oras habang ayon naman sa mga rebelde ay marami ang mga napatay sa pag-atake sa isang local market.

Dalawang sibilyan ang napatay din habang 16 ang sugatan nang magpaputok ng Katyusha rockets ang mga rebelde sa isang residential area.

Isang photographer na kinilalang si Awab al-Zubairi rin ang namatay dahil sa landmine na planted ng mga rebelde ang sumabog sa Taez.