Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakbakan sa QC? ‘Di ko kalaban si Arjo!’ – Aiko

0 143

Bagong bahay, bagong buhay!

Sa District 5 nga ng Quezon City na nakatira si Aiko Melendez. At dahil bagong bahay, bagong buhay, marami ang nagsasabi na nangangamoy kasalan na nga sina Aiko at Vice Gov. Jay Khonghun.

So, may plano na ba silang magpakasal?

“Ayoko nasa akin manggaling, kasi siyempre dalagang Filipina ako!” nakangiting sabi ni Aiko.

“Ang plano is always there. Siyempre, seryoso naman tayo sa relasyon. Nasa isip namin na kami na forever. At 4 years na rin naman kami.

“That plan is always there. So, timing na lang ang hihintayin natin,” sabi ni VG Jay.

Kung matutuloy, at papalarin nga si Aiko sa Kongreso, mas magiging madali nga raw ang sitwasyon nila ni VG.

“May common ground kami, pareho kaming nasa public service. Alam ko ang mundong ginagalawan niya. ‘Yung level ng understanding, mataas na. So, support kami sa isa’t isa,” sabi pa ni Vice Gov.

Nakakatuwa ngang malaman na mas si VG Jay ang kinakausap para sa kandidatura ni Aiko.

Anyway, marami ang nagsasabi na si Arjo Atayde ang makakabangga ni Aiko sa posisyon na `yon.

“Nag-usap na kami ni Ate Sylvia (Sanches) at Kuya Art (Atayde).

“Si Arjo ay sa Dist. 1 ng Quezon City tatakbo. So, ‘yun ang sinabi nila sa akin, na hindi talaga kami maglalaban.

“Pero, hindi ko sure kung magtutuloy si Arjo, ha! Hindi ko alam kung nabago ang plano, o kung ano ang plano niya. Pero ang sure talaga ako, hindi kami magkalaban ni Arjo!” sabi ni Aiko.

Anyway, may website nga pala na gagawin si Aiko, at `yon din ang dapat abangan, ha!

Bongga! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.