Una sa Balita

Bakbakan kay Horn asam ni Marquez

By
0 207

Interesado ang kampo ng dating four division world champion na si Juan Manuel Marquez na makabakbakan si World Boxing Organization welterweight champion Jeff Horn.

“I’ve been watching (Marquez training), so I do not think it’s crazy of me (to want the fight with Horn), he’s been looking super good (in camp),” ayon sa trainer ni Marquez na si Ignacio “Nacho” Beristain sa ESPN.

Nitong Linggo naipanalo ni Horn, 29, ang laban kay boxing legend na si Manny Pacquiao, 38, na ikinagulat ng buong mundo.

Ilang beses nang nakalaban noon ni Marquez si Pacquiao kunsaan nanalo ang una sa epic four-right series na nagsimula noong 2004, 2008 hanggang 2011. Ang pinakahuli ay noong 2012 kunsaan wagi ang 43 year-old Mexican boxer sa kanyang sensational one-punch knockout sa ika-anim na round.

“Look, I could see Horn being possibility, but I’m focused on the fight coming up right now. Whether I’m going to face (Miguel) Cotto in December or even this fight with Horn, the first thing I need to do right now is get through this fight so I can figure out how high I can reach,” ayon kay Marquez.

Handa sa major fight si Marquez at sakaling matuloy ang showdown ng dalawa, ito ang unang laban ni Marquez simula noong May 2014 nang madomina niya si Mike Alvarado. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy