Una sa Balita

‘Bakbakan’ bitaw sa Rizal at Bicol

0 197

SA Rizal at Bicol masisipat ang ‘Bakbakan Early Bird 9-Stag Derby’, ang P10 million nationwide event ng International Federation of Gamefowl Breeders Associations (FIGBA), ngayon, Biyernes, July 19.

Larga sa Blue Mountain Sports Arena sa Antipolo, Rizal ang 2-stag elims ngayon na may siguradong 70 sultada.

Ayon kay Rey Directo, presidente ng Rizal Gamecock Breeders Association (RGBA), ang iskedyul sa BMSA: July 19, August 2 at 16 (2-stag elims); August 20 (3-stag semis) at August 31 (4-stag finals).

Sa New Iriga City Sports Complex naman magpapang-abot ang mga mi­yembro ng Camarines Gamefowl Breeder­s Association (CGBA).

Nakahanap ng kakampi ang ‘Bakbakan Early Bird 9-Stag Derby’ dahil sa suporta ng Thunderbird SD4+ at Excellence Poultry and Livestock Specialists.

Sabay-sabay ang 4-stag finals sa August 31 sa iba’t ibang sabungan, ani FIGBA president Ricoy Palmares, Jr.

Sa Oktubre ang umpisa ng ‘National Bakbakan 12-Stag Derby’. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy