Una sa Balita

Bakasyunista ng Semana Santa balik-Metro Manila na 

0 213

DAGSA na ang mga bus terminal, airport at seaport mula sa mga pauwing bakasyunista na sakay ng mga bus, eroplano at barko matapos mairaos ang Semana Santa na kung saan ay sinamantala ang mahabang bakasyon para sa mga outing  at pagbisita na rin sa mga kaanak na nasa ibang probinsya.

Batay sa report ng Department of Transportation (DOTr), nagsimula na kahapon ang pagdagsa ng mga turista at dayuhan na nagmula sa mga probinsya pauwi ng Metro Manila.

Asahan din na magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEx) at South Luzon Expressway (SLEx) na nagsimula Linggo nang tanghali pa lang kunsaan nagsisimula nang bumiyahe pabalik ng Metro Manila ang mga bakasyunista.

Halos fully booked na ang mga air flight pabalik ng Manila mula sa Luzon, Visayas at Mindanao flights sa Terminal 1,2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at maging sa Clark airport sa Pampanga.

Samantala, naging mapayapa naman ang mga biyahe ng mga barko pabalik ng Metro Manila, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy