Una sa Balita

Bakasyon, honeymoon abroad nina Buboy at dyowang Kana, sagot ni Willie!

By
0 12

Dahil sa tuwa ni Willie Revillame kay Buboy Villar, may magandang ­sorpresa ito rito at sa kanyang American girlfriend na si Angillyn Gorens. Noong mag-guest si Buboy sa Wowowin naglaro ito sa ­Willie of Fortune segment at umabot ito sa jackpot round.

Sa naturang segment, hiningan ni Willie si Buboy ng mensahe para sa dyowa at hindi ito napigilang maluha.

“Sinabi ko sa sarili ko na nung ‘pag etong babaeng ‘to naging akin… kasi loko-loko talaga ako Kuya Wil, sa totoo lang. Loko-loko ako pero bibitawan ko lahat para lang sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

“Bibitawan ko lahat ng kalokohan, mapasaya lang siya. Sa totoo lang, eto, live in po kami. Nag-propose po ako sa kanya, sinabi ko na siya na.

“Oo, sabihin man sa akin ng panahon na hindi pero gusto ko siya. Siya talaga. ‘Yun lang ‘yung laging isinisigaw ko. Etong babaeng ‘to, mahal na mahal ko ‘to!”

Sobrang humanga si Willie sa pagmamahal ni Buboy sa kanyang girlfriend. Kaya sagot na ng TV host ang pamasahe nila Buboy at Angie kapag nagpakasal sila sa Amerika next year.

“Hindi kita kilala Buboy pero natutuwa ako sa ’yo. ‘Eto gift ko sa inyo, pumunta ­kayong Amerika, ako bibili ng ticket n’yo. Hindi lang ‘yun, first-class na ­ticket, sa first class kayo.

“Magbakasyon ka, mag-Hong Kong muna kayo. Ako bahala sa ­hotel, ako bahala, bibigyan ko kayo ng pocket money,” pangako pa ni Willie.

Mas lalong naiyak si Buboy dahil sa pinaramdam na suporta na iyon ni Willie Revillame.

Noong June 15 nag-propose si Buboy kay Angie noong bumalik ito ng Pilipinas pagkatapos nitong mag-turn 18 years old. Sa bahay ng Encantadia star naganap ang proposal with matching flowers and baloons.