Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakal sa katawan

0 139

Araw araw tayo ay gumagalaw, gusto man natin o hindi. Ang movement o kilos at galaw, ay isang esensyal na gawain para magampanan natin ang mga obligasyon natin sa pang arawaraw. Madalas tayo ay nagiingat, ngunit kung minsan sakasawiang-palad, naaksidente tayo. Kung minsan ay balewalalang na hindi na nga natin napapansin na may nangyari. Kung minsan naman ay sobrang tindi na kinakailangan tayo maospital, at maoperahan. Ang pagbali ng buto ay isa sa mga maaaringmngyari kung maaksidente. Ngunit hindi naman lahat ng buto ay kinakailangan maoperahan, madalas mapirme lang sa lugar ay sapat na upang humilom at manumbalik ang tibay ng buto.

Para maintindihan natin kung ano ang nangyayari kapag nabaliang buto, mayroon itong apat na yugto sa pag ayos at paghilom. Ang una ay pagbuo ng dugo o hematoma, sa paligid ng bali. Ito ang naguumpisa ng proseso. Ang pangalawa, ay ang pagbuo ng fibrocartilaginous callus, o soft bone. Mistulang parang glue na magdidikit sa mga dulo’t dulo ng bali. Ang pangatlo ay ang pagbuo na ng bony callus o pagtigas ng buto. At ang pang apatay ang remodeling na syang bubuo sa nabaling buto kasama ang pagpakapal ng buto ng manumbalik ang dating tibay nito. Sa ibang pagkakataon, mas matibay pa nga sa orihinal ang gumaling ng maayos na buto.

Ang prinsipyo sa paghilom ng baling buto ay maibalik ang kanyang dating anyo at kadugtong ang maibalik ang paggalawnang maayos ng apektadong lugar. Reduction ang ginagawadito. Ngunit dahil sa hinihila ang magkabilang dulo ng mgamuscle at litid, maaaring hindi bumalik sa kagustuhang ayos ang bali, lalong lalo na kung nadurog ang mga ito o comminution. Madalas ay inilalagay sa semento o cast para hindi gumalaw. Ngunit kung sobrang paling ang resulta ng bali, o di kaya may angulo o pagikli at hindi kayang mamanipula basta basta, ditonagiging indikasyon ang operasyon. At para maisalugar ang buto, mangangailangan na ng bakal.

Ang prinsipyo sa paglagay ng bakal sa katawan ng tao ay walang pagkakaiba sa mga prinsipyo na ginagamit ng mgaarkitekto at inhinyero kapag gumagawa sila ng gusali

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.