Una sa Balita

Baka pasukin ng abo ng Taal, LRT-2 walang aircon

By
0 239

Pansamantalang walang bubuksang air conditioning system sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), dahil sa pangambang pasukan ng abo o sulfur mula sa sumabog na Taal Volcano na posibleng ikasira ng mga tren.

Ayon sa management ng LRT, hindi rin pahihintulutan na buksan ang mga bintana upang hindi pasukan ng volcanic ash ang loob ng tren at hindi maapektuhan ang mga pasahero. Gayunman, sinisiguro nila na tuloy pa rin ang operasyon ng kanilang mga biyahe ng tren mula Recto sa Maynila hanggang Cubao sa Quezon City.

Matatandaang bumuga ng abo at usok ang sumabog na Taal Volcano kahapon, Enero 12, 2020, kung saan umabot ng 50,000 feet ang taas at nagbigay ng pangamba sa mga kalapit na residente, hanggang sa Metro Manila.

Sinuspinde na rin ang lahat ng klase sa Metro Manila maging ang pagbibiyahe ng lahat ng paliparan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More