Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Baka may magwala, ha!’ Sanya bagay na ‘first lady’ ni Sandro

0 540

Isang bonggang-bonggang teleserye talaga ang ‘First Lady’ na sa buong palabas nito araw-araw ay laging mataas ang rating.

Dalawang linggo na lang ito eere ay patuloy pa rin na tinututukan ng mga manonood, kaya match na match talaga ang tambalan nina Gabby Concepcion, at Sanya Lopez.

Speaking of Sanya, namataan namin siya sa inauguration ni incoming Vice President Sara Duterte. Invited siya, huh! Kasama niya ang mga VIP at top officials ng Pilipinas.

Kasama rin nila ang Chairman ng GMA-7 na si Atty. Felipe Gozon, at ang anak nito na si Annette Gozon. Bongga si Sanya, di ba?

‘Yun nga lang, dahil may mga lumabas na photo si Sanya at Sandro Marcos, ang daming nagsasabi na bagay silang dalawa.

Eh, sabi nga, may dyowa na si Sandro, at ayaw naman ni Sanya na maging panggulo, di ba?

Pero, hindi pa naman kasal si Sandro, ha! So, puwede pa rin. Hahahaha!

Basta, marami ang nagsasabi na bagay sina Sanya, Sandro na maging magdyowa. Pati nga mga pangalan nila ay bagay na bagay, Sanya at Sandro.

Naku, baka may magselos, o magalit, ha! Hahahaha!

‘Lolong’ mananakmal’ na sa July 5

Finally, for airing na ang ‘Lolong’.

Ang tagal nang hinihintay ng mga netizen ang ‘Lolong’, at sure na nga na ngayong July 5 ito magi-start, after ‘24 Oras’ sa GMA-7 siyempre.

Alam naman ninyo ang pinagdaanan sa taping ng ‘Lolong’ na inabot ng 2 taon. Ang dami-raming aberya na minsan naisip namin na parang malas ang teleseryeng ito.

Pero matapos naming makita ang trailer nito ay ramdam naming magiging successful na teleserye ito. Maski ang cast ay nag-enjoy sa taping nito at sa ilang buwan nilang lock-in taping ay naging close sila, kahit nga may mga problema silang pinagdaanan.

Nangyayari naman daw talaga ito sa kahit sinong pamilya, na nagkakaproblema, pero in the end ay nagkakaayos din naman.

Kaya aminado ang cast na mami-miss nila ang isa’t isa, lalo na at nagtutungan taalga sila para mapaganda ang bawat eksena.

Hindi rin naman puro action at drama ito, dahil may comedy rin. Kaya isa kami sa naghihintay sa teleseryeng ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.