Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baka magandang ganito ang gawin natin

0 148

Nuong bago-bago ang pandemya, madalas natingnaririnig ang mga katagang “new normal” o ang pagkakaroon ng bagong normal.

May mga bagay-bagay na nakasanayan natin nuon na magigingmahirap nang ipagpatuloy ng kagaya nuon, kaya’tkinakailangan nating sumabay sa bagong normal.

Halimbawa, nararamdaman ninyo na ba na ang pagkakaroon ng matinong internet ay umangat nasa antas ng pangangailangan? Dati-rati, kapag may internet ka, maituturing na luho ito. Hindi nakikita ng mga tao nuon ang matinding pangangailangan ng koneksyong internet sa kanilang mga bahay. Marami nuon ang umaasa sa internet sa kani-kanilang mga lugar ng trabaho.

Ngayon, kapag walang internet, maituturing na hindiproduktibo ang ating araw sapagka’t halos lahat ng gagawin mo ngayon ay nakaasa na sa ganitongsistema. Palaki ng palaking bahagi ng kalakalan ang nakabase sa ating buhay na elektroniko o digital. Ang kasunod na tanog ay, handa ba ang Pilipinaspara dito?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magandang malaman ang sagot dito mula sa mgaulat na walang kinikilingan. Ayon sa IMD World Digital Competitiveness Ranking (WDCR) 2020, nasumusukat sa kapasidad at antas ng kahandaan ng 63 mga bansa para pakinabangan ang mgateknolohiyang digital para sa mga pagbabagongpang-ekonomiya, ang Pilipinas ay kabilang sa 10 pinaka-huling bansa. Tayo rin ay pangalawa sa hulisa 14 na mga bansa sa Asia-Pacific. Nakita sapagsusuri ang mga kahinaan ng Pilipinas kagaya ng pagiging mahirap magbukas ng negosyo dahil samga regulasyon ng pamahalaan, ang teknolohiyangpangkomunikasyon at ang mabagal na internet.

Kung babalik man tayo sa dating normal, matatagalan pa. Ang bakuna kung saan natinipinako ang buong pag-asa ng ating bansa ay walapang linaw. Puro sana, baka at malamang ang atingnaririnig. Samantala, hindi natin dapat hayaanghuminto ang ekonomiya natin. Kung maghihintaylang, pagiging iresponsable ito at kahit sino kayanggawin iyon. Kaya, malinaw na kailangan nating pag-ibayuhin ang mga pamamaraan na magpapatuloy sapag-ikot ng ating buhay ekonomiya ng hindi tayonakikipagsapalaran na magkasakit at mamatay.

Ayon sa aking kaibigang ekonomista na si Dr. Kevin Chua, na may akda ng ulat ng World Bank napinamagatang “A Better Normal Under Covid-19,” magagawa natin ito sa pamamagitan ng maluwag at mabilis na pagtanggap sa buhay digital ng pamahalaan, negosyo at mga mamamayan. Bagama’t kasali lahat, dapat pangunahan ng pamahalaan ang pagpapabuti ng ating mgaimprastrakturang digital, lalong-lalo na sapamumuhunan dito. Malaking tulong din kung maisasaayos ng madalian ang mga regulasyon nakadalasa’y nagiging balakid para sa pribadongsektor. Maganda rin sana kung makikita ng mganegosyante na seryoso tayo upang tumaas ang kanilang tiwala sa pamamahala dito.

Nandito nakasalalay ang buhay natin ngayon at sahinaharap, lalong-lalo na kung gusto pa rin natingmawala ang gutom sa taong 2040. Kaysa ang kabi-kabilang takutan at pagbabanta ng kaguluhan o usapang parang nasa kanto-kanto lang, sana bigyanng tamang atensyon ang mga bagay na mahalagasa mga Pilipino maging pagk

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.