Una sa Balita

BAILEY, AC, JANE AT YLONA, FINALISTS SA GLOBAL POP GROUP NA ‘NOW UNITED’ NI SIMON FULLER!

By
0 25

Hindi maitatanggi na pang-world class at pang-global talaga ang talent ng mga Star Magic artists na sina AC Bonifacio, Jane de Leon, Ylona ­Garcia at Bailey May.

Katunayan, lumipad sila pa-Los Angeles, California last Aug. 26, matapos silang mapili bilang finalists in the upcoming global pop group called Now United.

The four official Philippine representatives were selected by Now United creator and American Idol producer Simon Fuller, para makasama sa 46 other finalists from around the globe for a weeklong dance, vocal, styling and social media workshops.

Abante Hiring – IT dep

 “I didn’t expect this kasi I can sing but I’m not a singer and dumating sa point na nagka-shortlist. ­Nagulat ako kasi nakapasok ulit ako. Tapos ­nag-submit na kami ng dance cover.

Hindi ko ini-­expect na mapili ako kasama nila,” sabi ni Jane, na nakilala bilang GirlTrends sa Its Showtime.

Pero siyempre, more than a dream come true ito, to be able to represent the country in a global ­platform.

Si Ylona na nakilala sa Pinoy Big Brother 737, ay hindi rin makapaniwala sa nangyari sa kanya ­ngayon.

“Sabi nila you should make sure that your life is worth being told so I want to make sure that mine is going to be a good one. It’s also my dream to make it in America, not just for myself but also to ­represent the Philippines and it’s also for my friends and ­family,” sey ni Ylona.

At si AC na sa murang edad, pagkahusay-husay na talagang sumayaw.

“When it comes to dancing I’m really passionate about it. I’m going to give it my all,” she said.

Si Bailey nga ang kaisa-isang lalake na pumasok mula sa Pilipinas.

“I’m very determined and I’m mentally stable. I’ve envisioned my future. I’ve envisioned it before and it’s already happening and this is the same,” sabi niya.

Anyway, matapos nga ang kanilang training, ­pipili ng 11 male and female finalists, na magiging part ng Now United.

Dasal ng bawat isa na may makapasok sa kanila.

“I feel like we’re not thinking of competing against each other, pero more of helping each other get it out there,” sabi ni AC.

“Ginawa lang namin ang best namin to represent the Philippines and the Star Magic family,” sabi naman ni Jane.

Matapos ang weeklong training ay babalik na ang lahat sa kanilang mga bansa. Pero, ang chosen 11 members composed of male and female ­performers, ay babalik sa US sa January 2018 to participate in the group’s world tour.

“This would give me an opportunity to meet my fans outside of the Philippines,” sabi ni Bailey, kapag napili siya.

“Una sa lahat it doesn’t mean that I’m ­leaving them. Kasi di ba sabi ko, you guys are still with me. Nu’ng una I felt like I’m leaving everyone behind ulit kasi di ba I left Australia and came here and left everyone.

Now I know that I’m not leaving them and they are still in my heart and I’m doing this for them,” sabi naman ni Ylona.

Nakabalik na nu’ng September 4 sa Manila ang apat.