Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Bahay’

0 98

Sa sampung tao na tinanong ko, ano ang kanilangunang nais maipundar sa buhay, ang lahat ay sumagotng “bahay”.

Pangarap ng lahat ang permanente na lugar namatutuluyan.

Maliit man ang lupa sabi nga nila kung may titulo ay sapat na.

Ano man ang yari ng bahay basta’t may bubong at pintuan ay ayos na.

Bago pa man bumili ng kotse at alahas o makapamasyal sa malalayong lugar, inuuna ng mgamagulang ang makapag-impok para sa lupa’t bahay.

Yaman na maituturing na manatili sa isang ligtas at sariling tirahan.

Sa panahon ngayon ay nagbabago na rin ang uri ng mga tinutuluyan na bahay ng mga Pilipino.

May nakatira sa ilalim ng tulay, malapit sa ilog o dagat, nasa tambakan ng basura at ang iba ay nasa lansangan.

Sila ang prayoridad ng pamahalaan na bigyan ng ayuda.

Bukod sa delikado na manirahan sa mga lugar nanabanggit, masasabing walang dignidad at kapanatagankung susuriin ang uri ng paninirahan ng mga Pilipino.

Ngunit ‘di lang mahal ang lupa kundi wala ring mabilio salat na rin sa pampublikong lupa na maaaringipamahagi.

Nakapag-isip ang gobyerno ng mga paraan.

Mula sa 3-storey housing building hanggang sa 15 floors na medium rise o vertical housing project.

‘Yan ang solusyon ng mga lokal na pamahalaan para tugunan ang pasikip na pasikip na Kamaynilaan.

Isa ang Lungsod ng Maynila sa nagsimula namaglunsad ng proyektong pabahay.

Halimbawa ang “Tondominium” na alam na natin kung saan matatagpuan sa Maynila.

Ayon sa kanyang Manila “Capital” Report, sinabi niYorme (Mayor Isko Moreno) na ang Tondominium I ay may 168 condo units at susundan pa ito ng Tondominium II na may parehong bilang ng yunit.

Ang bago rito na kakaiba sa mga naunang proyekto ng pamahalaan ay mas malaki ang sukat nito.

Aabot sa 44 square meters na may dalawang kuwartoang sasalubong sa mga benepisyaryo.

Bagamat pabahay ng gobyerno ito ay may mga batasna dapat sundin ang mga maninirahan saTondominium.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May mga bawal na ugali na dapat baguhin ang mgaresidente sa kanilang bagong pamayanan.

May kasunduan sa paninirahan ayon kay Mayor naipatutupad ang Manila Urban Settlements Office.

Bilang pribilehiyo ay ‘di ito maaaring ibenta o isanladahil mananatili ang pagmamay-ari sa City Hall.

Ang pananatili rito ay may kaakibat na responsibilidad.

Kailangang pagpawisan kahit maliit lamang ang upa.

Disiplina, tamang pag-uugali at pagmamalasakit satirahan sabi ni Mayor ang susi ng pagtatagumpay ng programang pabahay na ito.

Sa mga pag-aaral sa mga pabahay ng pamahalaan saiba’t ibang parte ng Pilipinas, nangingibabaw ang “sweat equity” at “sense of ownership” bilangmahalagang kaisipan.

Sweat equity ang tawag sa bahagi na ibinibigay ng benepisyaryo sa isang proyekto tulad ng pagtulong sakonstruksyon o kaya ay pagbabayad ng upa o butaw.

‘Di naman lahat ay libre sa ating mundo.

Sense of ownership naman ang taguri sa tamangpananaw ng maninirahan na kung aalagaan nila ang kanilang ari-arian ay magtatagal na maayos ito.

Nagsisimula ang pagbabagong-pananaw mula sa isangbenepisyaryo ng pabahay hanggang ang lahat ay magkaroon ng tamang pananaw na pang-komunidad.

Nasa tao ang kapangyarihan kung paano n’ya naismabago ang kanyang buhay.

Ngunit kailangan ay may malinaw na vision-mission-action-solution-transformation ang lider tulad ng Mayor para umagapay sa kanyang nasasakupan.

Ang in-city relocation ang pinaka-epektibong paraanng programang pabahay sa mga ‘di masyadongmapalad sa buhay.

Malapit sa trabaho, mga paaralan at batayangpangangailangan ang mga pabahay na nasa looblamang ng isang siyudad.

Sa aking napag-alaman, maraming benepisyaryo ang umayos ang takbo ng buhay, napagpatapos ang kanilang mga anak at napanatili ang kanilang trabaho.

Ang iba sa kanila ay graduate na sa pagiging informal settler.

Sana ay maging transitory house (panandaliangmatutuluyan) lang ang pabahay ng pamahalaansapagkat marami pa ang naghihintay na makaranas ng mapayapang paninirahan.

Ang pag-ahon sa kasalukuyang kahirapan o pagtatagumpay sa pagsubok sa buhay ay hangad ng lahat.

‘Yan ang isa sa #lifegoals natin sa Linggo ng Pagkabuhay.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.