Una sa Balita

Bahay sa Taguig natupok

0 436

Isang bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Western Bicutan, Taguig.

Sa report, nagsimulang kumalat ang apoy sa isang bahay sa Blk. 22, Pinagsama Village.

Nangyari ito bandang ala-1:52 ng madaling araw ng Martes, April 8 habang nasa kahimbingan ng tulog ang halos lahat ng residente sa lugar.

Agad namang naapula ang apoy na umabot lang sa unang alarma nang mabilis na makaresponde ang mga tauhan ng Taguig Fire Department.

Naideklarang under control ang sunog ganap alas-5:46 ng umaga.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang pinsala.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More