Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bahay ni Gardo ‘di nawasak ng bagyo

0 214

Nilinaw ng asawa ni actor Gardo Versoza na hindi kabilang ang bahay nila sa nasira sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Kaugnay iyon sa Instagram post ng aktor noong Nov. 15 ng isang bahay na sira-sira ang sahig at kisame.

“Haaaaayyyyyy our house,” caption ni Gardo.

SM food to go Banner Ad

https://www.instagram.com/p/CHmLXqmhjFc/

Ayon sa asawa ni Gardo na si Ivy sa PEP report, ang naturang bahay ay kanilang ancestral house, na katabi lang ng kasalukuyan nilang tinitirhan.

Ani Ivy, bago pa ang pananalasa ni “Ulysses” ay nasa state of damage na ang naturang bahay at “for renovation” na talaga sa December pero biglang bumagyo.

“Ang post lang ni Gardo was, ‘haaaaayyyyy our house’ kasi nga naka-ready na siya, andiyan na ‘yung ibang mga materyales para sa renovation, tapos biglang bumagyo,” aniya. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.