Una sa Balita

Bahay ni Daboy sa QC gigibain

0 612

Ang pagpapagawa ng sarili niyang bahay ang priority ngayon ni Renz Fernandez. Napagdesisyunan na raw nila ng kanyang inang si Lorna Tolentino at Kuya Rap na ipagiba na ang White Plains house nila at tayuan ng dalawang bagong bahay ang malaking lote. Isa kay Renz at isa kay LT.

“Kaya kapitbahay ko si Mama! Madali ko lang siyang mahagilap ngayon!” tawa pa ni Renz.

Gusto na rin daw kasi ni Renz na maging independent.

“Eh, 34 na ako. Gusto ko na rin na ako na ang nagpapatakbo ng sarili kong household. Hindi naman forever na nakadikit ako kay Mama.

“Kaya nagdesisyon kaming tatlo na simulan ng bago ang lahat. Ipagiba ang lumang bahay at tayuan ng bago.

“Opo, maraming memories ang bahay na iyon sa amin, pero we all have to move on. Lahat naman ng magagandang memories na naiwan ni Papa (Rudy Fernandez), nasa amin na. Puso at isipan,” ngiti pa ni Renz.

Sa pagpatayo niya ng sari­ling bahay, ibig sabihin ba ay ready na siyang magkaroon ng sariling pamilya?

“Wala pa naman. May prospect pa lang!” tawa pa niya.

“Hindi siya taga-showbiz. Para maiba naman. Pero may nakareserba naman na isang taga-showbiz kung saka-sakaling hindi mag-work sa pinopormahan ko ngayon!” sabi pa ni Renz na gumaganap na doktor sa serye ni Dingdong Dantes. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More