Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bahay ni Andrea target ng magnanakaw

0 328

Yayamanin ang ipinatayong bahay ni Andrea Brillantes na nasilip ng mga netizen ang isang bahagi sa loob ng bahay nito sa ipinoste niyang larawan ng ina.

Sumilip sa Instagram post ni Andrea na hindi ordinaryo ang bahay na ipinagawa nito, kundi meron itong swimming pool sa loob.

Long shot ang pagkakakuha ng larawan ni Andrea sa ina sa loob ng bahay nito, kaya sumilip sa likod ang itsura ng swimming pool sa labas ng bahay.

Humanga ang mga follower ng dalagita sa ganda ng bahay at sa Christmas tree na nakatayo sa sala.

SM food to go Banner Ad

Pero `yun nga lang, dapat mag-ingat si Andrea sa pagpu-post ng kanyang bahay, dahil mukhang siya naman ang target ng mga akyat-bahay, di ba? Remember, sa social media nagmamatyag ang mga magnanakaw ngayon, pinag-aaralan nila ang itsura ng bahay at kung paano ito pasukin, kaya mag-ingat sana si Andrea at huwag ipakita lahat ang itsura ng kanyang bahay.

Anyway, bukod dito, humanga rin ang mga follower ng Kapamilya young actress sa kaseksihan at ganda ng kanyang ina kahit malayo ang shot.

Mukha pang bata at pwedeng mapagkamalang nakatatandang kapatid lang ni Andrea ang ina. Isang tattoo art lover ang nanay ni Andrea.

Makikita kanang buong braso ng ina ang mga tattoo nito. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.