Una sa Balita

Bahay ni Andi sa Siargao nanganganib gibain

0 529

Bagama’t masaya si Jaclyn Jose na malapit nang matapos ang pinapagawang two-storey house ng anak niyang si Andi Eigenmann sa Siargao, hindi rin mawala ang pag-aalala nito.

May issue raw kasi sa lupa kunsaan nagpagawa ng bahay si Andi at ang boyfriend nitong si Philmar Alipayo.

“Kasi meron akong narinig. ‘Yung spot na ‘yun pala, nasa list siya ng mga parang puwedeng gibain kasi nasa ano siya right-of-way ng main road. Pasok du’n ‘yung house, ewan ko kung aware siya,” sey ni Jaclyn.

May pangamba si Jaclyn na baka mauwi sa wala ang pagpapagawa ng bahay ni Andi dahil puwede raw ipagiba iyon kung sakop nito ang main road.

Gusto ring malaman ni Jaclyn kung aware ba sina Andi at Philmar sa issue na ito dahil sayang naman daw ang perang ibinuhos na nila sa pagpapagawa ng bahay sa Siargao. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy