Una sa Balita

Bahay ng pulis nilimas ng 5 menor de edad na kawatan

0 297

WALANG takot na pinasok at pinagnakawan pa ng limang menor edad ang bahay ng isang pulis sa Valenzuela City, kahapon.

Kalaboso ang mga suspek na tinago sa pangalang Randy, 14-anyos; Ge-rald, 16; Mario; 15; at Ronnie, habang nakatakas naman ang isa pang menor de edad na kasamahan nito.

Kwento ni Pat. Emerson Magallon, 23, ng Brgy. Gen. T. De Leon, bandang ala-1:50 nang madaling-araw nang magising ito para gumamit ng banyo.

Laking gulat ng pulis dahil nasa loob na ng kanyang bahay sina Randy at Gerald, kaya naman hinabol niya ito, pero mabilis na nakatakbo at nakalabas ang dalawa.

Napansin din ng parak na may mga kasamahan pa sa labas ang dalawa na mabilis ding nagtakbuhan.

Dito nadiskubre ni Magallon na pinagnakawan siya dahil nawawala ang kanyang cellphone at cash na P3,000 na nakalagay sa drawer.

Natuklasan din nito na sinira ng mga kawatan ang door knob ng pintuan sa harapan ng bahay.

Kaagad na lumabas ang parak at humingi ng tulong sa mga barangay tanod at makalipas ang ilang sandali ay nahuli sina Mario at Ronnie bago nahuli ang iba pang mga suspek. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy