Una sa Balita

Bahay ng Maguindanao mayor, VM sinalakay: 2 patay

0 247

PATAY ang dalawang miyembro ng private armed group (PAG) ng magka­patid na alkalde at bise alkalde ng ba­yan ng Datu Monta­wal sa lalawigan ng Maguin­danao matapos ang isi­nagawang raid ng pulis­ya kahapon nang mada­ling-araw .

Ayon kay Sr. Insp. Jemar Delos Santos, ta­gapagsalita ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) PNP, nilusob ng mga tauhan ng Police Regional Office in the Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay nina Mayor Vickman Montawal, Vice Mayor Otho Montawal at isa pang kaanak na si Andy Montawal sa Barangay Talapas sa bayan ng Datu Montawal dakong alas-dos nang mada­ling-araw.

Bitbit ang search warrant na iniabas ng korte para sa violation ng RA9165 o illegal drugs at RA 10591 o illegal possession of firearms ay sinugod ng awtoridad ang bahay ng mga Montawal su­balit agad silang sinalubong ng mga mi­yembro ng PAG ng Montawal na dahilan ng engkuwentro.

Tumagal ng halos isang oras ang palitan ng putok hanggang sa mapatay ang dalawa sa mga bodyguard ng magkapatid na politiko.

Napag-alaman na ang magkapatid na Monta­wal ay kabilang sa lista­han ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga narco-politician.

Nakakuha ng iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril at pampasabog sa bahay ng mga Montawal. (Edwin Ba­lasa)