Una sa Balita

Bahaghari, kulay para sa lahat

0 408

Dear Abante:

Ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) bill ay isang batas kung saan napatutupad ang anti-discrimination para sa mga taong may ibang kasarian.

Matagal nang nais ipatupad ang batas na ito ni Sen. Miriam Defensor Santiago noong nabubuhay pa siya.

Naniniwala ako na may kanya-kanya tayong karapatan sa mundo kahit pa sabihin na iba ang kasarian ng isang tao.

Nararapat lang na ang mga kabilang sa LGBTQIA++ ay bigyan ng karapatan sa kahit saan. Isa pa, ang SOGIE bill ay hindi lang naman nakapokus sa LGBTQIA++ dahil ito ay pangkalahatan.

Nararapat lang mapatupad ang SOGIE bill dahil ito ang isa sa paraan upang mapanatili ang bansa na walang harang sa pagitan ng bawat indibidwal.

Nicole Anne Adduru

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More