Una sa Balita

Bahag ang buntot ni Floyd

0 535

Mainit si Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao. Nanggigigil. Gustong makipag­basagan ng mukha.

Sa bagong update sa napakatagal nang inuurot na rematch nila ni retired undefeated boxing champ Floyd Mayweather Jr., nagpakawala ng direkrang paghamon ang kasalukuyang World Boxing­ Association (WBA) welterweight ruler na si Pacquiao sa American nemesis.

“If you want a real fight, fight me… if you want an exhibition, fight my friend,” ayon sa video message ni Pacquiao kay Mayweather habang nagbo-boxing training kasama ang kaibigang bilyonaryong Chinese businessman Jack Ma.

Taong 2015 nang unang magharap ang dalawang pinakama­galing na boksingero sa kanilang panahon kung saan tinalo ni Mayweather si Pacquiao via controversial unanimous decision sa tinaguriang ‘Fight of the Century’.
Mula noon, palagi nang itinutulak ang dalawa para sa rematch subalit nagretiro na si Mayweather at ine-enjoy na lang ang kanyang buhay sa paglilibot sa iba’t ibang bansa, pagma-manage ng mga boksingero at kung ano-ano pa.

Sa panig ni Pacquiao, nagpatuloy ito sa pagboboksing at tila bumalik ang dating bangis nito sa ibabaw ng ring.

Kung ako kay Floyd, papatulan ko na ang hamon ni Pacquiao. Kung talagang tingin niya na siya ang mas mabagsik kumpara sa Pinoy ring legend, sapakan na!

O baka totoo ang hinala ng marami na takot talaga siya kay Sir Manny? Na naka­tsamba lang siya sa 2015 encounter nila dahil may iniindang shoulder injury roon ang ating ‘Pambansang Kamao’?

Na sigurista ang mokong at lalabanan lang sa rematch si Manny kapag nakitang palubog na ang performance?

Anuman ang dahilan ni Floyd sa patuloy na pag-iwas kay Pacquiao, lalo namang nakakakuha ng papuri at respeto ang ating pambato dahil kahit lampas 40-anyos na’y nananatiling tigasin sa ibabaw ng lona sa kabila ng samu’t saring­ pinagkakaabalahan tulad ng pag-aartista at pagiging senador.

Payo lang po senator, always keep yourself in fighting form dahil baka biglang umoo sa rematch si Floyd, para naman maipakita natin sa kanya na kaya natin siyang talunin.
Good luck po!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More