Una sa Balita

Baha sa Vietnam: 21 patay

By
0 6

Aabot sa 21-katao ang nakumpirmang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyo sa bansang Vietnam na nagdulot ng pagbaha.

Sa ulat ng BBC, maraming pagbaha ang naitala sa nasabing bansa at nagpalubog sa maraming taha­nan sa probinsya ng Quang Binh kung saan 11-katao ang nasawi habang nasira naman ang ilang pananim at alagang hayop ang lumubog at tinangay ng agos.

Hindi pa man tumatama sa Vietnam ang bagyong Karen na may international name na Sarika na ga­ling sa Pilipinas ay makakaranas na ng pagbaha ang nasabing bansa.

Nasa 95,000 kabahayan din ang nasira sa natu­rang pagbaha na dulot ng walang tigil na pag-ulan, at pagbubukas ng dam bago pa man dumating ang bagyong Karen.

Dahil dito, inaasahan na mas magdadala ng masamang lagay ng panahon sa Vietnam ang nakaambang pagtama ng typhoon Sarika sa araw ng Miyerkules.