Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baha sa China! 12 patay, 10K residente binakwit

0 21

Labindalawa katao ang nasawi habang nasa 10K residente ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha sa bansang China.

Sa report, naitala ang nasawing residente sa Zhengshou City kung saan inilikas ang libu-libong residente sa Henan province.

Nangangamba naman ang mga otoridad na bumigay ang dam sa Henan na una nang napinsala ng mga nagdaang bagyo.

Biniberipika din ang isang video na nagpapakitang aabot hanggang balikat ang baha sa subway train.

Ilang pasahero ang sinagip sa pamamagitan ng mga lubid.

Daan-daan na umano ang na-rescue pero hindi pa malinaw kung may mga naipit pang pasahero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.