Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baha rumagasa uli sa VisMin

0 187

Muling binaha ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa nitong Sabado.

Isinagawa na ang forced evacuation sa Surigao City dahil sa banta ng landslide sa lugar.

Ayon sa Surigao City public information office, pinalikas ang mga residente dahil baha na sa Navalca, Barangay San Juan, at Silay Hills.

Nabatid na maging ang ilang bahagi ng Cantilan sa Surigao del Sur ay binaha na rin.

Sinabi ng PAGASA na ang shear line o ang pagsalubong ng northeast wind at easterlies ang dahilan sa pag-uulan sa lugar. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.