Baha mawawala ‘pag nalinis ang Laguna de Bay at Pasig River
By Bernard TaguinodHangga’t hindi nalilinis ang Laguna de Bay at Pasig River, hindi mareresolbahan ang problema ng Metro Manila sa pagbaha tuwing umuulan tulad ng naranasan nitong nakaraang mga araw na sanhi na rin ng habagat at bagyong “Gorio”.
Ito ang sinabi kahapon ni House Deputy Minority Leader Lito Atienza kaya hindi nito maiwasang sisihin si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ipinatigil ang kasunduan ng Pilipinas at Belgium sa ilalim ng administrasyong Arroyo para sa dredging project.
“Without dredging that body of water (Laguna de Bay at Pasig River), Metro Manila will be very susceptible, always susceptible in flooding,” sabi ni Atienza sa mga mamamahayag kahapon.
Aniya, ang Pasig River ang nagsisilbing channel habang ang Laguna de Bay naman ang tagasalo o basin ng tubig mula sa Metro Manila.