Una sa Balita

Baha at guho sa CARAGA region

0 44

Nakataas pa rin ang babala ng flashflood at landslide sa CARAGA region kahit nalusaw na ang nabuong low pressure areas (LPA) sa bisinidad ng Mindanao.

Ayon sa weather forecast ng Philippine Atmos­pheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakaka-apekto pa rin sa Visayas at Mindanao ang umiiral na tail-end ng cold front.

Ang nasabing weather system, ayon sa PAGASA ay maaring makapaghatid ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa sa CARAGA region.

Habang ang Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy