Una sa Balita

Baha, basura, krimen lumala sa Malabon — Jeannie Sandoval

Panahon na para iahon!

0 232

Kumpirmadong tatakbo sa pagka-Mayor ng Malabon City si Vice Mayor Jeannie Sandoval sa darating na 2019 midterm election.

Naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Sandoval sa huling araw ng filing nito kasama ang kanyang partido sa “Team Kakampi” bilang mga opisyal na kandidato ng Nationalista Party na sina running Vice Mayor Maricar Torres, District 1 Councilors

Reinos Cortez, Jon Cruz, Miel Delos Reyes, Payapa Ona, Menchie Santos, at RJ
Yambao; District 2 Councilors JC
Cagaanan, Ryan Geronimo,
Eddie Nolasco, Monet Pabustan, Sally Trinidad, at Nadja Vicencio.

Samantala, si Congressman Ricky Sandoval ay naghain na ng kanyang COC sa pagka-Kongresista ng PDP-Laban noong October 12 bago tumungo sa Geneva, Switzerland bilang isa sa delegado ng Pilipinas sa ika-139th InterParliamentary Union General Assembly.

“Nais kong mahalal na Mayo­r ng Malabon upang matu-gunan ang hiling ng aking mga kababayan lalo na ang mga kapuspalad sa kanilang mga pangangailangan.

Sa tagal at lalim ng pakikisalamuha ko sa kanila at bilang kanilang nag-iisa at tunay na KAKAMPI, nararamdaman ko ang paghihirap nila tulad sa pagbaha, problema sa basura, kawalan ng oportunidad o hanapbuhay, kakulangan ng batayang serbisyo lalo na sa kalusugan o pagpapaospital at edukasyon, paglaganap ng droga at iba pang krimen na direktang nakaaapekto sa kaunlaran, kapayapaan at kaayusan ng Lungsod ng Malabon, at sa matiwasay at walang pag-aalinlangang pamumuhay ng mga tagarito – ito rin ang nakita ko na hindi natutugunan ng kasalukuyang pamunuan, kaya naman ito na ang oras upang aksyunan ito,” ani Sandoval.

Matatandaang lumamang ng 20,000 na boto sa pagka-Vice Mayor si Sandoval noong 2016 election. “Panahon na, Malabon. Ahon na!” panghuli ni Sandoval.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy