Una sa Balita

Bagyong ‘Quiel’ nakalabas na ng PAR; bagong LPA naispatan

0 440

NAKALABAS na ng bansa ang bagyong Quiel suba­lit patuloy na makararanas ng pag-uulan dahil sa tail end ng cold front, isa ring Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geoohysical Astronomical Services Administration (Pagasa)weather specialist Meno Mendoza patungong Vietnam na ang bagyong Quiel na may international name na Nakri.

Kasabay ng pagalis nito ay isang LPA ang namataan 1835 km sa Silangan ng Mindanao, sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.

Ang cold front ang magdadala ng pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Nakataas pa rin ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan,Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur,Isabela, La Union,Pangasinan,Zambales,Bataan,Cavite at Occidental Mindoro. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy