Bagyong Paeng lumakas pero hindi magla-landfall
By Tina MendozaBAGAMA’T nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at bahagya pang lumakas, wala pa ring direktang epekto ang bagyong Paeng sa anumang bahagi ng bansa dahil nanatili itong malayo sa kalupaan.
Ayon Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) taglay ng bagyo ang 170kph na lakas ng hangin at bugso na 185kph. Huli itong namataan sa 1,000km ang layo sa Tuguegarao City, Cagayan.
Sa Biyernes pa inaasahang maghahatid ng pag-uulan ang bagyong Paeng sa extreme Northern Luzon o sa Batanes area at sa Huwebes ay maaari umanong magpalabas ng tropical cyclone signal.
Related Posts
Hindi pa rin tatama sa lupa ang bagyong Paeng at sa Sabado, Setyembre 29 ay lalabas na ito ng PAR patungon sa Taiwan kung saan ito inaasahang magla-landfall.
Wala din umanong southwest moonsoon o hanging habagat kaya hindi palalakasin ang bagyong Paeng.