Una sa Balita

Bagyong Nando lumabas na; 1 pang namumuong sama ng panahon, nagbabadya

By
0 5

Mahigit na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administation (PAGASA) ang isa pang namumuong sama ng panahon.

Agad na pumorma ang Low Pressure Area (LPA) kasunod ng paglabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Tropical Depression Nando nuong Sabado ng gabi.

Taglay ng bagyong Nando ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 60 kilometro kada oras. Huling namataan ang bagyo sa layong 625 kilometro ng Sinait, Ilocos Sur at kumikilos sa bilis na 24 kilometro kada oras pa-Kanluran-Hilagang-Kanluran.

Ayon sa PAGASA, nakakaapekto ngayon sa Silangang bahagi ng Mindanao ang tinatawag na trough ng LPA.
Una na ring pumasok bilang LPA ang bagyong Nando bago ito naging tropical depression nuong Sabado ng hapon.