Una sa Balita

Bagyong ‘Maring’ tatama sa Mauban, Quezon anumang oras

By
0 9

Ramdam na ang hagupit ng bagyong ‘Maring’ sa probinsya ng Quezon na maglalanding sa Mauban, Quezon sa pagitan ng alas-9:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.

Sa pinakahuling update ng Philippine Atmospheric, Geophysical ang Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang mata ng bagyo sa 35 kilometers timog timog-silangan ng Infanta.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 60 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Bumilis ang bagyo at kumikilos sa direksyon ng Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometero kada oras.

Nakataas pa rin ang public storm warning Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Metro Manila

Cavite

Camarines Norte

Camarines Sur

Northern Quezon

Polillo Island

Rizal

Bulacan

Pampanga

Quirino

Nueva Ecija

Nueva Vizcaya

Benguet

La Union

Tarlac

Zambales

Bataan

Pangasinan

Laguna

Quirino

Aurora