Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagyong Maring bumirit habang papalayo – Pagasa

0 96

Patuloy pa ring mananalasa ang bagyong Maring kahit patungo nang West Philippine Sea.

Ito ay dahil na rin sa sa lawak ng sirkulasyon nito.

Kamakalawa hanggang magdamag kahapon ay nakaranas ang Northern Luzon ng matinding ulan at h Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 170 km kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph at nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Signal No. 1 naman sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon at Polillo Islands.

Leave A Reply

Your email address will not be published.