Una sa Balita

Bagyong ‘Mangkhut’ lalong pang lumakas habang papalapit ng PAR

By
0 234

LUMAKAS pa ang bagyo na may international name na Mangkhut habang papalapit sa bansa at sa oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay tatawaging bagyong Ompong.

Sa ipinalabas na weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) taglay na ni Mangkhut ang lakas ng hangin na 170 kph at bugsong 210 kph at kumikilos sa bilis ba 25kph.
Huli itong namataan sa 1,845 km East ng Southern Luzon at inaasahang papasok ng PAR ngayong hapon at taglay pa din ang kategoryang super typhoon kaya maaaring magpalabas agad ng storm signal ang Pagasa sa Miyerkoles nang gabi.

Tutumbukin umano ng bagyo ang Northern Luzon hanggang Biyernes at sa Sabado ay tatawid sa Cagayan-Batanes.

Pinaghahanda ng Pagasa ang publiko sa paparating na bagyo na magiging malakas dahil hahatakin din nito amg hanging habagat.

Samantala, nakalabas na ng PAR ang bagyong Neneng at tinatahak nito ang direksyon patungong China at may international name ito na typhoon Barijat.

Itinaas kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang red alert status bilang preperasyon sa pagpasok sa PAR ng super typhoon Mangkhut o may lokal na pangalang ‘Ompong’ na magbibigay ng malakas na ulan at hangin partikular sa Northern Luzon.

Sa red alert status ng NDRRMC kinakailangang duty ng 24/7 ang lahat ng concerned agencies na kasama sa mga emergency at calamity response.