Una sa Balita

Bagyong Karding bumagal, Linggo pa lalabas ng PAR

By
0 144

BUMAGAL ang bagyong Karding at nagbago din ng direksyon kaya inaasahang sa araw na ng Linggo pa ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility(PAR) kaya asahan ang maulang weekend dahil patuloy na hinahatak ng hanging habagat ang bagyo at isa pang Low Pressure Area(LPA) na siyang nagdudulot ng pag-uulan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang bagyong Karding ay huling namataan 1,200 kilometers East ng Basco, Batanes. Hindi pa rin inaasahang tatama sa lupa ang bagyong Karding.

Paliwanag ng weather bureau na ang hanging habagat pa rin ang sanhi ng nararanasang kalat-kalat at malalakas na pag-uulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil patuloy nitong hinihigop ang LPA na nasa labas ng PAR at ang bagyong Karding.

Mapanganib din umao ang sea travel kung saan nakataas ang gale warning sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, western coast ng Batangas, Occidental Mindoro at Palawan.