Una sa Balita

Bagyong Julian puntirya ang Batanes

By
0 3

Napanatili ng bagyong Julian ang lakas nito habang kumikilos papalapit sa Batanes – Babuyan.

Sa pinakahuling severe weather bulletin #5 ng PAGASA,   huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Julian sa 305 km East Southeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kph.

Kumikilos ang bagyo sa direksyon ng kanluran  sa  bilis na 25 kph.

Nakataas  ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Batanes, Northern Cagayan, Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.

Ngayong araw ng Huwebes ng hapon  ang bagyong Julian ay nasa layong 180 km west ng Basco Batanes.

Inaasahang sa Biyernes ng hapon ay nasa labas na ito ng PAR sa layong 520 km ng Basco Batanes.