Una sa Balita

Bagyong ‘Isang’ tinatarget ang Hilagang Luzon

By
0 2

Lalo pang lumakas ang bagyong ‘Isang’ habang binabaybay ang extreme Northern Luzon o dulong hilagang Luzon sa bilis na 15 kilometers per hour.

Sa Severe Weather Bulletin #8 na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-5:00 ng hapon, ang mata ng bagyo ay nasa 170 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito sa direksyon ng Kanluran Hilagang-Kanluran at may lawak na 400 kilometro ang mahahagip ng pag-ulan.

Abante Hiring – IT dep

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kph malapit sa gitna at pagbugsong 97 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands at signal number 1 naman sa Babuyan Group of Islands.

Pinalalakas ng bagyong Isang ang Habagat na nagdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Maliban sa Hilagang Luzon, magiging maulan din dahil sa habagat ang Metro Manila, Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Visayas.