Una sa Balita

Bagyong ‘Isang’ lumakas

By
0 10

Bahagyang bumagal subalit lumakas pa ang bagyong ‘Isang’.

Dakong alas-kuwatro ng hapon kahapon namataan ang bagyo sa layong 170 kilometro ng silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 97 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometro kada oras sa direksyong kanlurang-hilagang kanluran.

Kaugnay nito, itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Warning 2 sa Batanes Group of Islands at Tropical Cyclone Warning 1 sa Babuyan Group of Islands.

Lalo rin umanong magpapalakas ang bagyong ‘Isang’ sa southwest monsoon o habagat na maaaring magdala ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan sa Metro Manila, Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Visayas.