Una sa Balita

Bagyong ‘Huaning’ mabilis umalis

By
Kitang-kita sa larawang ito ang mata ng bagyong ‘Lawin’ na isa nang super typhoon, gayundin ang lawak o radius na aabot sa 800 kilometro. Nakataas na ang Signal No. 5 sa Cagayan, Isabela, Apayao at Kalinga.
0 3

Hindi nagtagal at lumabas na rin kahapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Huaning”.

Sa pinal na weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong alas-siyete ng umaga kahapon nang huling mamataan ang bagyong “Huaning” sa layong 750 kilometro ng hilaga-hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Binawi na rin ng PAGASA ang itinaas na babala ng bagyo sa ilang lugar sa Luzon.

Gayunman, posible umanong makaranas pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa nasasakupan ng 400 kilometrong diameter ng bagyong “Huaning”.

Samantala, dalawa ang iniulat na nasawi sa paghagupit ng bagyong “Huaning” sa bansa su­balit hindi pa kumpirmado kung sa unos nga o aksidente ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Isa ang 4-anyos na si Anthony Barcena Jr. ng Brgy. Dungtal, Laoag City na nalunod umano sa isang irrigation canal pagpasok ng naturang bagyo noong araw ng Linggo.

Sa kasagsagan naman ng malakas na hangin na may kasamang pagbuhos ng ulan nasawi ang 32-anyos na si Randy Baay nang makuryente ito ng tangkaing sagipin ang kanyang alagang baka sa Sitio Cavintaran, Brgy. Davila.