Una sa Balita

Bagyong ‘Henry’ lalabas ng PAR, bagong LPA namataan — Pagasa

By
0 700

SA buong Linggo ay asahan na ang pag-uulan dahil bukod sa bagyong Henry na pinapalakas ng hanging habagat ay mayroon pang Low Pressure Area na maghahatid ng pag-uulan, ayon sa Philippine Atmospheric Geopysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa ipinalabas na weather bulletin,­ isinailalim sa Signal No. 1 ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan­ Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte dahil sa bagyong Henry.

Ang bagyo ay huling namataan 415 kilometers ng Calayan, Cagayan­ na kumikilos sa bilis na 25kph ­taglay ang lakas ng hangin na 55 kph at bugso na 65 kph.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Cagayan Lunes nang gabi at palalakasin nito ang habagat na maghahatid ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan sa Metro­ Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro,­ Occidental Mindoro, Palawan at Western Visayas.

Ibinabala ang posibilidad ng pagbaha at mga landslide sa mga apektadong lugar.

Ang binabantayang LPA ay malaki umano ang tiyansang maging­ ganap ding bagyo sa loob ng susunud na 2 araw.