Una sa Balita

Bagyong Hanna lumakas habang papalabas ng PAR

0 223

LUMAKAS pa ang bagyong Hanna habang tinatahak nito ang direksyon patungong Japan kung saan nanati­ling nakataas ang Signal No. 1 sa Basco, Batanes.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kph, bugso na 230kph at kumikilos sa bilis na 15kph.

Bagama’t lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong Biyernes nang umaga, ay asahan pa rin na magi­ging maulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands sa buong araw dala na rin ng epekto ng buntot ng bagyo habang apektado pa rin ng hanging habagat ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Samantala, ang Low Pressure Area na namataan sa Dagupan City ay inaasahang ma­lulusaw sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Hindi pa rin papasok ng PAR ang bagyo na may international name na Krosa na namataan 1930 kilometers east ng extreme Northern Luzon subalit nahahatak nito ang hanging habagat. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy